SAN AGUSTIN PNP MASIGASIG SA PAGPAPATUPAD NG MGA ENVIRONMENTAL LAWS
Special Report in collaboration with Romblon Wanderer Facebook page
Naatasan bilang Deputized Wildlife Environmental Officer ng Department of Environment and Natural Resources ang San Agustin MPS sa pangunguna ni PMAJ JOSELITO L SAPE, ang kapulisan sa bayang ito ay nagsasagawa ng mga random na pag-iinspection sa lahat ng mga sasakyang pandagat na dumadaong sa pantalan ng San Agustin, Romblon.
Ayon sa deputation order na ibinigay ng DENR ,ang San
Agustin MPS personnel ay mangunguna sa pagbabantay sa pantalan na may layuning
mahuli ang mga taong sangkot sa pagbibyahe ng anumang endangered species palabas
o papasok ng probinsya.
![]() |
| Personal na nakipag usap si PMAJ JOSELITO L SAPE, acting COP sa mga bangkero upang ipabatid ang pagbabawal na pagkarga ng mga illegally traded wildlife species. |
Ayon sa pag aaral,ang probinsya ng Romblon lalo na ang isla ng Sibuyan ay bantog sa pagkakaroon ng mayamang “flora and fauna”.Makikita rito ang ibat ibang endemic na hayop at halaman na ang ibig sabihin ay dito lamang sa loob ng probinsya makikita.
Kaya bilang kabahagi ng tinaguriang
eco-warriors ng rehiyon,ang kapulisan ng San Agustin ay masigasaig sa
pagpapatupad ng mga batas ukol sa likas na yaman at mas pinaiigting na
pagbabantay sa mga ito upang maprotektahan ang kalikasan.
Nakikipagtulungan rin ang himpilan ng San Agustin MPS sa iba pang kawani ng pamahalaan, mga shipping companies na dumadaan sa pantalan ng San Agustin upang mapanatiling ligtas ang mga wildlife species sa mga taong mapang-abuso at nakikinabang dito.
![]() |
Sinisiyasat ni PMAJ JOSELITO L SAPE,Acting COP at DENR deputized ang dokumento ng isang mangangalakal ng kalabaw sa pantalan ng San Agustin Romblon. |
Nagpapauna ang mga kapulisan sa mga taong nagsasagawa ng pagbebenta ng mga wildlife species na iwasan na nila ang ganitong gawain bilang tulong sa Inang kalikasan at makaiwas na rin sa anumang kaso na maaring ihabla laban sa kanila.
VIEW IN FACEBOOK WATCH: https://fb.watch/ltgHuVLh2H/
![]() |
| Ang San Agustin MPS ay tumatalima sa mga adhikain at programa ng kasalukuyang pamunuan ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas |



Comments
Post a Comment