PAGSASANAY PARA SA MGA TANOD,PINANGUNAHN NG LGU, DILG AT PNP SAN AGUSTIN
![]() |
| Pagtayo sa pulutong na formation. |
Malaki ang naging pasasalamat ng mga napiling tanod na nakasama sa
isinagawang tatlong araw na Barangay Peace Action Team Training na isinagawa sa pangunguna ng lokal na pamahalaan ng San
Agustin Romblon sa pamumuno ni Hon. Esteban SF MADRONA Jr., katuwang ang
Department of Interior and Local Government sa pangunguna ni Mr. John Francis F
Fopalan at ng Philippine National Police na pinangungunahan ni MAJ JOSELITO L
SAPE, Chief of Police, San Agustin MPS na isinagawa noong Abril 15-17, 2024 sa San
Agustin Commercial Complex, Brgy Poblacion, San Agustin,Romblon.
Naglaan ng sapat na pondo ang lokal na pamahalaan ng
San Agustin, Romblon para sa mga kaukulang kagamitan at pagkain para sa tatlong
araw na pagsasanay na nilahukan ng mga miyembro ng Barangay Tanod mula sa
labinlimang Barangay ng San Agustin, Romblon.
Pagsasagawa ng Field Training Exercise
Naimbitahan rin ang ibat-
ibat mga tagapagsalita o guest lecturers mula sa mga tanggapan ng Municipal
Planning and Development Coordinator sa pangunguna ni MS Concepcion Angela S.
Aquino, Rural Health Unit Dr. Deogracias S Muleta, para sa mga usapin tungkol
sa kalusugan, SB Member Roland E Abero para sa pagtuturo ng Martial Arts at ang ilang PNP members para
sa mga teorya at Field Training Exercises (FTX) na pagsasagawa ng simulation
exercises upang lalong maging makabuluhan ang nasabing pagsasanay at mahasa ang
kanilang kapabilidad sa pagrerespondi sa anumang kalamidad, sakuna at mga
kaguluhan.
Sa unang araw ng pagsasanay,
ang mga kalahok na umabot sa pitumpot –lima (75) at hinati hati sa mga platoons
na pinagunguhan ng isang Company Commander na pinagungunahan ni Johnny M Rico. Layuning
ng nasabing paghahati sa mga platoon ay upang mas madaling maturuan sa pagsasagawa
ng mga Drills and Ceremonies.
Itinuro rin sa mga nasabing pagsasanay ang tamang pagsulat sa mga Citation Tickets na ginagamit sa paghuli ng lumalabag sa lokal na ordinansa, pagsasagawa ng Checkpoint kasama ang kapulisan at ang tungkol sa mga pagrerespondi sa anumang mga insidente na kailangan ang kanilang tulong.

Kuhang mga larawan sa unang araw ng pagsasanay.
Ang nasabing pagsasanay ay kabahagi ng programa ng DILG, LGU-SAN AGUSTIN
sa ilalim ng Peace and Order and Public Safety Plan.
![]() |
Ipinakita ni SB Roland E Abero ang tamang pamamaraan ng Martial Arts. |

Kinamayan ni Hon.Esteban SF Madrona ang mga
nagsitapos na mga Barangay Tanod sa ikatlong araw
ng pagsasanay.


Comments
Post a Comment