SAN AGUSTIN PNP, NAKIPAGKAISA SA TREE PLANTING AT OUTREACH PROGRAM NG PHILIPPINE PEDIATRICS SOCIETY, SOUTHERN TAGALOG CHAPTER
Isinulat ni PSSg Ronel Mayo Mangaya,LPT/PCR PNCO,SAN AGUSTIN MPS/ROMPPO
![]() |
Napag-alaman na ilang mga medical practitioners mula sa Philippine Pediatrics Society Southern Tagalog Chapter sa pamumuno ni Dra. Maria Carolisa Pontanella ang dumalo sa nasabing paaralan upang magsagawa ng community works na tinaguriang "LUNTIAN PROJECT", isang TREE PLANTING activity katuwang ang mga guro at Girl Scouts ng nasabing paaralan.
Ang nasabing gawain ay isa na ring pagkakataon sa kapulisan upang makapagbigay ng seguridad sa mga nasabing bisita at pagpapakita ng suporta sa mga stakeholders gaya ng academe at pagseseguro na ang mga kapulisan ay katuwang nila sa mga kahalintulad na gawain.
Pagpapakita rin ito ng halimbawa sa
mga bata na maging mapagkalinga sa kalikasan at pagpapaunawa sa kanila ang
kapulisan ay kanilang maasasahan.
Kasama sa mga dumalo ay ang mga Brgy
officials ng Brgy Poblacion.
Nagpasalamat naman si Ginoong Randy
Faigmane, School Principal ng nasabing paaralan sa mga pulis sa naging matagumpay
na tree planting activity.
Natapos
ang nasabing gawain na may labinlimang puno ng narra at ilang punongkahoy ang
naitanim sa loob ng nasabing paaralan.
<amp-auto-ads type="adsense"
data-ad-client="ca-pub-7189296425769188">
</amp-auto-ads>







Comments
Post a Comment