PINAKAMODERNONG PASSENGER TERMINAL SA BUONG ROMBLON, PINASINAYAAN NA SA SAN AGUSTIN, ROMBLON

REPORTED BY: Romblon Wanderer

Larawang kuha sa madaling araw

Pinangalanang  ‘THE SAIL’, isang Sydney Opera house-inspired passenger terminal ang nagbukas upang maging isa sa mga pantalan na magseserbisyo sa mga taga Romblon lalo na sa mga residente ng isla ng Tablas.

Mula sa masigasig at makamodernong pamumuno ng Alkalde ng nasabing bayan na si Hon.Esteban Santiago Fabic Madrona at mga SB members ay natapos ang nasabing port terminal kahit nahadlangan ito ng halos dalawang-taong lockdown dulot ng COVID19 pandemic.

Mga pasaherong galing ng Romblon at Sibuyan

            Inaasahang magseserbisyo ang pantalang ito sa mga residente ng labinlimang barangay ng San Agustin at mga bayan na nakapalibot sa nasabing bayan gaya ng Sta. Maria, Calatrava at mga residente ng katabing isla ng Banton, Romblon,at ng Sibuyan  na may transaksyon sa mga pangnasyonal na tanggapan na nasa bayan ng Odiongan.



Kabilang na rin sa inaabangan dito ay pagbubukas ng ibat-ibang negosyo na ilalagay sa loob at tabi ng nasabing terminal gaya ng mga restaurants,coffee shops at pasalubong centers.

Dried seafoods sa Lungsod ng Roxas Capiz
            Sa inisyal na pagsisimula nito ay may tatlong shipping companies ang naglagay ng kanilang mga barko na may rutang Romblon at Lucena at Batangas at Masbate .Habang ginawa ang balitang ito ay may isa pang shipping company ang nagpaskil sa Facebook page ng kanilang rutang Batangas-San Agustin-Sibuyan-Capiz na siya namang inaabangan ng mga negosyanteng nagdadala ng kalakal sa isla ng Panay gaya ng Walis Tambo ng San Agustin.

           


 Sa modernong desinyo ng nasabing terminal ay hindi lamang mga pasahero ang matutuwa kundi pati ang mga kabataang mahihilig kumuha ng larawan para sa kanilang social media post sa dahilang ang nasabing estruktra ay taaga namang kaaya-ayang tingnan.

Mga pasaherong patawid ng Lucena






            

Comments

  1. Please FOLLOW and SUBSCRIBE and LIKE ROMBLON WANDERER FB page and ROMBLON WANDERER YOUTUBE CHANNEL for more updates and happenings in our province mga ka-WANDER.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

PAGSASANAY PARA SA MGA TANOD,PINANGUNAHN NG LGU, DILG AT PNP SAN AGUSTIN

Terms and Conditions

A Road Trip from San Agustin town to Kambaye beach