PINAKAMODERNONG PASSENGER TERMINAL SA BUONG ROMBLON, PINASINAYAAN NA SA SAN AGUSTIN, ROMBLON REPORTED BY: Romblon Wanderer Larawang kuha sa madaling araw Pinangalanang ‘THE SAIL’, isang Sydney Opera house-inspired passenger terminal ang nagbukas upang maging isa sa mga pantalan na magseserbisyo sa mga taga Romblon lalo na sa mga residente ng isla ng Tablas. Mula sa masigasig at makamodernong pamumuno ng Alkalde ng nasabing bayan na si Hon.Esteban Santiago Fabic Madrona at mga SB members ay natapos ang nasabing port terminal kahit nahadlangan ito ng halos dalawang-taong lockdown dulot ng COVID19 pandemic. Mga pasaherong galing ng Romblon at Sibuyan Inaasahang magseserbisyo ang pantalang ito sa mga residente ng labinlimang barangay ng San Agustin at mga bayan na nakapalibot sa nasabing bayan gaya ng Sta. Maria, Calatrava at mga residente ng katabing isla ng Banton, Romblon,at ng Sibuyan ...